MANILA, Philippines – Nagsagawa ng walk-through sa male custodial center sa Pasay City si Interior secretary Jonvic Remulla kung saan maaaring dalhin ang mga contractors, opisyal at iba pa na madidiin kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Nasa 14 selda na may 1,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang inispeksyon na custodial center.
Ang ideal capacity ng Pasay City Jail ay 103 PDLs ngunit 960 PDLs ang kasalukuyang nakakulong doon.
Aniya, nagbigay siya ng mga utos na hindi magkakaroon ng special treatment at walang access sa mga mobile phone ,laptop at iba pang gadgets ang mga flood control personalities.
Sinabi ni Remulla na maaring kasuhan ang mga personalidad sa kanilang mga distrito ngunit nilinaw nito na maari rin silang kasuhan sa Maynila.
Samantala, sinabi ni Remulla na nag-inspeksyon din siya sa Quezon City Jail facilities at tinitignan din ang iba pang custodial facilities sa Metro Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden