MANILA, Philippines – Sinabi ni DPWH secretary Vince Dizon na gagawa ang ahensya ng detour road dahil hindi niya inirerekomenda ang muling pagbubukas sa ngayon ng gumuhong kalsada sa Bukidnon-Davao dahil sa kaligtasan.
Gumuho noong Sabado ang isang malaking bahagi ng apat na lane ng kalsada na naging dahilan upang hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang lugar.
Sinabi ng kalihim na gumuho ang slope protection ng kalsada– binanggit na kasalukuyan niyang iniimbestigahan ang kung ano ang nangyari.
Aniya, hindi niya nanaisin na malagay sa panganib ang kaligtasan ng mga residente kasunod ng pagsusuri ng geologist na ang lugar ay prone sa panganib.
Dahil dito, sinabi ni Dizon na gagawa ang DPWH ng detour road upang ma-accomodate ang mga motorista at mga residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden