MANILA, Philippines – Kahit walang pahayag ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ay maari pa ring ituloy ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan.
Sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, hindi importante ang kanilang pahayag at kung makikipagtulungan pa sila sa imbestigasyon.
Giit niya, kapag hindi makapagbigay ng direktang link sa krimen ang mga Discaya –hindi na ito kailangan.
“Hindi ganun kahalaga ang kanilang mga statement. In other words, hindi siya crucial,” ayon kay Martinez
Nauna nang nagpahayag ang mag-asawang Discaya na hindi na sila sasali sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure. Jocelyn Tabangcura-Domenden