MANILA, Philippines – Nakiusap ang gobyerno sa mga nakabenepisyo na ng murang pabahay ng pamahalaan na huwag ipagbili ang kanilang nakuhang bahay sa gobyerno.
Ayon kay National Housing Authority General Manager Joeben Tai, sayang kung gagawin ng isang housing beneficiary na ibenta ang kanilang nakuhang bahay sa pamahalaan.
Aniya, minsan lang ang ganitong pagkakataon at ibinibigay nila ang murang pabahay sa mga karapat- dapat na benipesyaryo.
Tuluy-tuloy aniya ang pabahay project ng Marcos Administration na kung saan ay low and mid rise housing ang ipinapatayo.
Samantala, pasok sa kuwalipikado na maka-avail ang poorest of the poor na kung saan, marami na ang nabiyayaan habang may nairerecord nga sila sa kanilang alpha list na may nagbebenta ng rights sa kanilang nakuhang murang housing unit. (KRIS JOSE)