Home METRO Kelot, grinipuhan ng kainuman

Kelot, grinipuhan ng kainuman

219
0

PANGASINAN, Philippines – Sugatan ang isang 24-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng isa sa mga lalaking kanyang nakainuman sa bayan ng San Nicolas ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa San Nicolas Municipal Police Station, ang biktima at ang 57-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang bayan.

Base sa imbestigasyon, ang biktima at ang suspek kasama ang anim na iba pa ay masayang nag-iinuman nang biglang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, biglang bumunot ng double-bladed knife ang suspek at saka nito sinaksak ang biktima.

Matapos saksakin ang biktima, agad na tumakas ang suspek.

Nagtamo ng stab wounds sa kanyang dibdib at sa kanyang likod ang biktima na agad isinugod ng kanyang pamilya sa EPDH, sa Tayug, Pangasinan. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here