ILOCOS SUR, Philippines – Nagkakahalaga ng P3.75 milyon na marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa limang marijuana plantations na nadiskubre nila sa Brgy. Licungan, Sugpon ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 23.
Nagsasagawa ng marijuana eradication sa naturang lugar ang mga tropa ng Sugpon MPS (lead unit), ISPDEU, 1st ISPMFC, 2nd PMFC, PDEA RSET, PDEA RO1-ISPO, PDEA RO1-INPO, ISPIU, at ISPIDMU (KIMAT members) nang madiskubre nila ang mga taniman ng marijuana.
Ang limang plantation sites ay may kabuuang land area na 2,900 sq.m. na natatamnam ng 18,500 na fully grown marijuana plants at 1,250 marijuana seedlings.
Tinatayang nagkakahalaga ng P3,750,000.00 ang winasak na marijuana plants.
Walang naarestong marijuana cultivator sa naturang mga taniman ng marijuana. ROLANDO S. GAMOSO