Home NATIONWIDE MMDA magpapakalat ng higit 2K enforcers para sa Undas 2025

MMDA magpapakalat ng higit 2K enforcers para sa Undas 2025

320
0

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 2,000 traffic enforcers upang masiguro ang kaligtasan sa kalsada bago, habang at matapos ang paggunita ng Undas.

“The MMDA is already prepared. We will be deploying around 2,400 enforcers,” sinabi ni MMDA Task Force Special Operations chief Edison “Bong” Nebrija sa news forum sa Quezon City nitong Sabado, Oktubre 25.

Ani Nebrija, ang deployment ay nagsimula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.

“We will have a no absent, no leave, no day off policy on October 30, 31, [until] November 3,” aniya.

Nagsimula na rin ang ahensya ng clearing operations sa limang malalaking sementeryo sa Metro Manila. Ito ay ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Loyola Memorial Park Marikina, Bagbag Cemetery, at San Juan Cemetery.

Nakipag-ugnayan na rin ang MMDA sa mga pamunuan ng North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Manila-Cavite Expressway, at Cavite-Laguna Expressway upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko kasabay ng Undas 2025 exodus.

Dagdag pa, sinabi rin ni Nebrija na ang ahensya ay nakipagpulong sa Highway Patrol Group at National Capital Region Police Office upang maisaayos ang traffic management plans at masiguro ang kapayapaan at kaligtasan sa paggunita ng Undas.

Ang October 31, Biyernes (All Saints’ Day Eve), at November 1, Sabado (All Saints’ Day) ay idineklarang special non-working days upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga Filipino na bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here