Home NATIONWIDE Pasahero ng bus tinepok ng may topak

Pasahero ng bus tinepok ng may topak

325
0

LINGAYEN, Pangasinan – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki na umano’y may problema sa pag-iisip ang isang pasahero ng provincial bus sa Barangay Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.

Sinabi ng pulisya na nagbabawas ng kargamento ang konduktor ng bus malapit sa isang tulay nang biglang tumayo ang suspek at pinagsasaksak nang maraming beses ang biktima.

Nagulat ang mga pasahero at nagtakbuhan palabas sa bus.

Nabatid na bago ang krimen ay bulong nang bulong sa sarili ang suspek.

Inaresto ng pulisya ang suspek na hindi umano alam ang nangyari.

Naniniwala ang mga saksi na ang suspek ay may problema sa pag-iisip na nag-udyok sa kanya upang patayin ang biktima.

Patungong Metro Manila ang bus mula Baler, Aurora nang mangyari ang insidente. Marina Bernardino-Sy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here