PANGASINAN, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki na umano’y may problema sa pag-iisip ang isang pasahero na sakay ng provincial bus sa Barangay Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija, noong Sabado ng gabi, Oktubre 25.
Sinabi ng pulisya na nagbabawas ng kargamento ang konduktor ng bus malapit sa isang tulay nang biglang tumayo ang suspek at pinagsasaksak ng maraming beses ang biktima.
Nagulat ang mga pasahero at nagsilikas papalayo sa bus.
Ayon sa isang pasahero bumubulong umano sa sarili ang suspek bago ang insidente.
Inaresto ng pulisya ang suspek na hindi umano alam ang nangyari at nanatili malapit sa tulay.
Naniniwala ang mga saksi na ang suspek ay may problema sa pag-iisip na nag-udyok sa kanya upang patayin ang biktima.
Patungong Metro Manila ang bus mula Baler, Aurora nang mangyari ang insidente.