Home METRO Citywide Earthquake Drill, Simulation ng Rescue Operation, isinagawa sa Valenzuela

Citywide Earthquake Drill, Simulation ng Rescue Operation, isinagawa sa Valenzuela

342
0

VALENZUELA, Philippines – Kaugnay ng mga serye ng lindol na naitala sa buong bansa at sa pangamba ng mga mamamayan tungkol sa kinatatakutang “Big One”, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ng sabay-sabay na earthquake drill at simulation ng rescue operation kahapon sa buong lungsod.

Sa ilalim ng probisyon ng Executive Order (EO) No. 2025-257, kabilang sa isinagawang drill at simulation ay ang mga bumubuo a mga pampubliko at pribadong paaralan, lahat ngbarangay sa lungsod,ilang pribadong negosyo at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa nasabing disaster drill, lahat ay tumugon sa pagsasagawa ng Duck-Cover-Hold habang nagaganap ang pagyanig.

Nagsagawa din ng mga search-and-rescue mission ang mga tauhan ng City Disaster Response Team ng lungsod sa makatotohanang sitwasyon sakalaing maganap ang pagyanig.

Binigyang diin sa nasabing pagsasanay ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, mga unang magreresponde, at ng komunidad.

Gayundin ay upang subukin ang kahusayan sa pagsund sa mga protokol sa paglikas, pagbibigay ng medical assistance at ang komunikasyon.

Tiniyak ng alkalde na maayos at kumpleto ang mga kagamitan ng lungsod sa pagtugon sa panahon ng emergency.

Binigyang-diin din nito na ang mga pagsisikap ng lungsod sa paghahanda sa sakuna ay hindi lamang dahil sa mga naganap na pagyanig sa bansa kundi bahagi rin ito ng kanyang pangako na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng komunidad.

“Ginagawa na po namin ito, hindi lang ngayon na dahil marami pong lindol nitong nakaraang linggo at buwan, kundi dati na po naming pinapraktis ang aming earthquake drill, ang paghahanda at kahandaan ng lahat ng kawani ng Valenzuela City,kasama na po ang lahat ng aming satellite offices sa buong lungsod,” pahayag ni Mayor Wes.

Bukod pa sa mga pagsasanay at paghahanda para sa kaligtasan ng mga mamamayan, namumuhunan din ang pamahalaan ng lungsod sa pagpapanatili ng matatag na imbentaryo ng mga kagamitang pang-emergency, kabilang ang mga suplay na medikal, mga kagamitang pangkomunikasyon, at mga kagamitang pang-rescue.

Naglaan din ang lungsod ng matibay at maayos na mga sasakyang pangrescue ambulansya, bumbero, at rescue boat.

Layunin ng Pamahalaan ng Lungsod ng Valenzuela na palakasin ang katatagan ng mga mamamayan nito, tinitiyak na hindi lamang sila may kaalaman sa mga protokol sa kaligtasan kundi may kakayahan din silang kumilos sa panahon ng aktwal na emerhensya.

Magsasagawa din ng information dissemintaion ang lunsod upang tumaas at umunald ang kaalaman at kahandaan ng mga mamamayan sa pagsuong sa anumang sakuna. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here