Home METRO Kagawad namaril, tambay kritikal

Kagawad namaril, tambay kritikal

256
0

BULACAN, Philippines – Kritikal sa pagamutan ang binata matapos umanong barilin ng Brgy. Kagawad sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong madaling araw ng Oktubre 26.

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktima na si alyas Rajem, 30, binata, residente ng Brgy. Poblacion habang ang suspek ay si alyas Antonio, 53, may asawa at kagawad sa lugar.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente ng pamamaril bandang 12:45 ng madaling araw sa Libis, Brgy. Poblacion 1.

Ayon sa imbestigasyon, namataan ang armadong lingkod bayan na sumisigaw at galit na galit sa biktima sa lugar.

Nabatid na sa sobrang galit ay pinasok nang kagawad ang isang bahay, tinutukan rin niya ang isang lalaking naroroon hanggang sa pumunta sa kuwarto at walang kaabog-abog na binaril ang biktimang naroroon.

Nang humupa ang alingawngaw ng putok ay agad tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng main road.

Agad naman isinugod ang biktimang duguang nakahandusay dahil sa tama ng bala sa leeg sa ospital para sa paunang lunas na umanoy nasa kritikal na kondisyon.

Sinasabing nagviral ang pamamaril ng suspek sa ilang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 26 na umanoy galit na galit sa ilang tambay sa lugar kaya namaril.

Dahil dito, nagsagawa ng backtracking ng CCTV footage ang pulisya sa lugar habang patuloy rin ang kanilang follow up investigation at dragnet operation para mahuli ang suspek. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here