Home NATIONWIDE Pagbibitiw ni NBI chief Santiago, tinanggap na ni PBBM

Pagbibitiw ni NBI chief Santiago, tinanggap na ni PBBM

314
0
Iniharap ni National Bureau of Investigation (NBI) sa ilalim ng pamamahala ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.), ang dalawang indibidwal na naaresto sa Concepcion, Tarlac, sa kasong child exploitation na nagresulta sa matagumpay na pagliligtas ng sampung (10) menor de edad. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Tinanggap na ng Malacañang ang “irrevocable resignation” ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Si Santiago mismo ang nag-anunsyo nito sa NBI flag ceremony nitong Lunes, October 27.

“Today I was informed that the President has finally accepted my irrevocable resignation,” sabi ni Santiago sa flag raising, halos dalawang buwan makaraang isumite ang kanyang resignation.

Inaasahan ni Santiago na anumang oras o araw ay ilalabas na ang kautusan mula sa Malacañang, gayundin wala siyang binanggit o ipinahiwatig kung sino ang ipapalit sa kanya.

“Ilalabas na ang order, magkakaroon na kayo ng panibagong lider,” sabi ng NBI Director.

Noong August 15 ay nagsumite si Santiago ng irrevocable resignation dahil umano sa tangkang pagsira sa kanyang reputasyon ng ibang indibidwal na nagpahiwatig na isa siyang bagman sa illegal online sabong/e-sabong at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na mahigpit niyang itinanggi. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here