Home METRO P102K tobats nasamsam sa binatang tulak

P102K tobats nasamsam sa binatang tulak

198
0

SOLANO, Nueva Vizcaya – Umaabot sa P102K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang mister na Street Level Individual o SLI matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario P. Castro ng PDEA Region 2 sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs, kinilala ang suspek sa alyas na “Paul”, 27 anyos, walang asawa, welder, at naninirahan sa parehong lugar ng pinangyarihan.

Sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 2 at PDEU/PIU ng NVPPO at Solano PS, naganap ang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek habang aktuwal na nagbebenta ng iligal na droga.

Nasamsam mula sa kanya ang tatlong pirasong heat-sealed sachet ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride (shabu) na may kabuuang timbang na 15.03 gramo. Bukod dito, nakumpiska rin ang marked money na ginamit sa buy-bust, mga cellphone, lighter, identification card, at isang motorsiklo.

Ayon kay Regional Director Castro, ay walang puwang ang mga adik sa droga sa rehiyon habang siya ang namumuno ngayon sa nasabing ahensya.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here