Home HOME BANNER STORY Presentasyon ng ebidensya sa impeachment trial ni VP Sara, target tapusin sa...

Presentasyon ng ebidensya sa impeachment trial ni VP Sara, target tapusin sa Disyembre – depensa

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahang matatapos ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang presentasyon ng mga ebidensya at testigo sa impeachment trial sa Disyembre, ayon kay defense counsel at spokesperson Michael Poa nitong Huwebes.

Sinabi ni Poa na matapos iharap ang apat na testigong ipinatawag sa pagdinig ngayong linggo, maaari pang magharap ang depensa ng lima hanggang anim na testigo.

Nang tanungin kung ito na ang huling grupo ng kanilang mga testigo, sinabi ni Poa:

“Oo, malamang last batch na yun. We don’t see the point of prolonging it further. Diba, lalo na kung parang ano eh, ayaw naman natin na sinasayang din yung oras ng court.”

Ayon kay Poa, maaaring tumagal lamang ng isang linggo ang huling batch ng mga testigo, lalo na kung magkakaroon ng buong araw na pagdinig.

Posible aniyang matapos ang presentasyon bago matapos ang Disyembre, depende sa iskedyul ng impeachment court.

“We’re already satisfied that we have presented everything that we want to present,” dagdag ni Poa.

Umaasa ang depensa na ilalabas ng impeachment court sa loob ng linggong ito ang iskedyul ng mga pagdinig sa Disyembre upang malaman kung kailan maipagpapatuloy ang pagharap ng kanilang mga testigo. Nakatakda namang isagawa sa susunod na linggo ang deliberasyon sa budget. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here