Home METRO FBI intel, nakatulong sa pagpigil sa planong pamamaril sa paaralan sa Ilocos...

FBI intel, nakatulong sa pagpigil sa planong pamamaril sa paaralan sa Ilocos Norte

4
0

MANILA, Philippines – Nakatulong ang impormasyong ibinahagi ng United States Federal Bureau of Investigation (FBI) upang mapigilan ang umano’y planong pamamaril sa isang paaralan sa Batac, Ilocos Norte, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Ayon sa PNP, namonitor ng FBI ang online conversation ng ilang menor de edad na umano’y nagpaplano ng malawakang pamamaril sa kanilang paaralan.

Dahil dito, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Pilipinas matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa isang napipintong banta.

Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagligtas sa mga sangkot, kabilang ang isang 16-anyos na itinuturing umanong pangunahing target ng planong pag-atake.

Nauna nang sinabi ng NBI na tatlong menor de edad ang umano’y nagpaplanong isagawa ang pamamaril sa Disyembre 16 laban sa limang indibidwal. Sinasabing nakaranas ang mga ito ng bullying.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang pagbabahagi ng intelligence information at pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang law enforcement agency upang maagapan ang mga banta sa seguridad.

Nasa kustodiya na ng NBI ang tatlong menor de edad at binibigyan ng kaukulang interbensyon ng Department of Social Welfare and Development habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here