Manila, Philippines – All eyes ngayon sa patuloy na pagsisiyasat tungkol sa mga taga-gobyerno—mapa-pulitiko o kawani—na sangkot sa malawakang nakawan o korapsyon.
Kada araw ay nadaragdagan ang mga idinadamay na tao.
“Ika nga, as days unfold ay pahaba nang pahaba ang listahan.”
Gayunpaman, may pagkainip na nadarama ang tao.
Nais ng taumbayan na may managot, hindi lang basta binibisto ang pangalan ng mga tiwaling tao.
At isa nga ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na nakatutok at nakaantabay.
‘Yun nga lang, hindi maiaalis ang agam-agam sa singer.
Regine took to her X (formerly Twitter) account her sentiments toward the ongoing probe into the massive corruption.
Post ni Regine na mala-devil’s advocate: “Baka naman hanggang bukingan lang ‘to! Kailangan may managot! Hindi kami titigil hangga’t walang napapanagot!”
Umani naman ng pagsang-ayon mula sa mga netizens ang post ng maybahay ni Ogie Alcasid.
Anila: “Bukingan won’t solve anything!”
“Korek! Useless lang ang pag-iingay kapag hindi naipapakulong ang mga sangkot!”
Hinihikayat din ni Regine na huwag bumitaw ang taumbayan sa kakakalampag sa mga kinauukulan; mas mabuti raw na i-pressure ang mga lider na gawin ang nararapat.
At presstime, it’s been over a month since the nation stood up against some of the leaders’ corrupt practices sa pamamagitan ng malawakang kilos protesta.
Anong petsa na ngayon?
Naiinip na ang taumbayan na tanong nang tanong ng: “Ano na?!”