GENERAL SANTOS CITY – Tatlong gintong medalya ang natudla ng pambato ng Davao City sa umiinit na bakbakan sa archery sa Batang Pinoy na ginaganap sa General Santos City.
Nasungkit ng grade 11 student mula sa Davao Christian High School na si Abigail Jane Lim ang tatlong gold medals tatlong event sa archery sa Batang Pinoy.
Sa kwento ni Abigail, nagsimula siya sa paglalaro ng archery sa edad 14 sa tulong ng kanyang mga magulang.
“It was an experience po that encouraged me to pursue archery even more. Nung Batang Pinoy 2023, it was my first ever competition that I joined since starting archery, and I was able to get a silver in the qualification round there. Also I was encouraged even more because of seeing all the support our team gave to each archer and that really led me to stick with archery,” kwento ni Abigail..
Hindi umano inaasahan ni Abigail na masusungkit niya ang gintong medalya sa Batang Pinoy dahil akala niya hindi maganda ang kanyang mga shot.
“I was really surprised at first kasi I thought I was not doing well with my shots especially nung first round Kaya I tried to bawi on the 2nd. I didnt also know na I was gold din kasi my coach kept the score hidden from me pero at the end he revealed na i was gold pala,” masayang kwento nito.
Inamin ni Abigail na target pa rin niyang makasungkit ng dalawa pang gold sa pagsabak nito sa Olympic Round at Team Events sa mga susunod na araw.
Sinabi rin ng ipinagmamalaki ng Davao City na iniaalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang parents, coaches at friends na tumulong sa kanya at nag-cheer habang siya ay lumalaban.
Pangarap umano ni Abigail na balang araw ay sumabak sa international competitions lalong lalo na sa Olympics.RICO NAVARRO