Home NATIONWIDE Paslit na namamalimos patay sa sagasa ng SUV

Paslit na namamalimos patay sa sagasa ng SUV

266
0

MANILA, Philippines – Patay ang apat na taong gulang na batang lalaki matapos masagasaan ng SUV sa kahabaan ng Espana kanto ng Antipolo St., sa Maynila.

Sa panayam sa driver ng SUV, apat na bata ang namamalimos sa kanya habang nakahinto dahil nakapula ang traffic light.

Aniya, hindi nito namalayan na may bata pa sa paligid ng minamanehong sasakyan dahil nakita niyang nagpalipat-lipat sa ibang sasakyan ang mga bata para mamalimos.

Pero nang mag-green light, sinabihan na siya ng enforcer na magtuloy o mag-go dahilan para siya ay magpatuloy sa pagmamaneho.

Gayunman, bigla siyang pinatigil dahil mayroon itong nasagasaan.

Nangyari ang insidente bandang 12:30 ng hapon ng Martes.

Ayon naman sa mga residente sa lugar, sadya umanong pinababayaan ng magulang ang mga bata na mamalimos sa kalsada.

Dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima habang hawak na ng MPD-Traffic Bureau ang driver ng SUV na nakiusap na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here