MANILA, Philippines – Iginawad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kay Senador Bam Aquino ang Doctor of Education, Honoris Causa degree bilang pagkilala sa kanyang pagsulong ng Libreng Kolehiyo Law, na pinakikinabangan ngayon ng milyun-milyong Pilipinong estudyante.
Tinanggap ni Aquino ang naturang parangal nitong Miyerkules sa PLM Graduation Ceremonies, kung saan siya rin ang nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita.
“Today, we confer on him our highest honor, Doctor of Education, Honoris Causa. We award this in recognition of Senator Bam’s meritorious contribution to the advancement of education in our country as a student, as a youth leader, and as a legislator-senator,” wika ni Atty. Edward Serapio, chairman ng PLM Board of Regents.







