Home ENTERTAINMENT Abogado ni Raymart, sinagot ang ina ni Claudine!

Abogado ni Raymart, sinagot ang ina ni Claudine!

391
0

Manila, Philippines- Naglabas na ng reaksyon ang kampo ni Raymart Santiago patungkol sa vlog interview kay Mommy Inday Barretto sa Ogie Diaz Inspires.

Si Mommy Inday ay ang ina ni Claudine Barretto, estranged wife ni Raymart.

Sa panayam ni Ogie, nagpakawala ng ilang never before told at nakaka-shock na rebelasyon ang Barretto matriarch laban sa manugang.

Uploaded nitong October 20, sa comment section ay nakuha ni Claudine ang simpatya ng mga netizens.

Raymart’s camp, however, maintains otherwise.

Ito’y ayon sa mga abogado ng aktor na sina Atty. Howard Calleja at Atty. Kristin Jessica Distor-Guinigundo.

Anila, it is unfortunate daw na kinailangang magkaroon ng publisidad si Ginang Barretto sa pamamagitan ng pagkakalat ng “untrue and slanderous narrative” tungkol sa naging relasyon ng kanilang kliyente at ni Claudine na ginagamit din ang socisl media para siraan ang aktor.

Pinaalalahanan ng mga naturang legal counsel na may existing pang gag order mula sa family court ng Branch 5 sa Mandaluyong City, na hanggang ngayo’y sinusunod ni Raymart.

Nagbabala rin sina Calleja at Guinigundo na maaari nilang papanagutin ang kampo ni Claudine sa mga susunod pang sasabihin nito laban sa kanilang kliyente.

Aware din sila na ang dahilan ng pagpapainterbyu ni Mommy Inday ay dahil sa kapiraso ng lupa na ang dokumento para maibenta na ito ay ayaw umanong pirmahan ni Raymart.

On Claudine’s part, ayon sa kanyang ina’y nakalaan sana ‘yon para sa mga anak ng estranged couple. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here