Home NATIONWIDE Seguridad sa NAIA hinigpitan na; 1.3M pasahero daragsa

Seguridad sa NAIA hinigpitan na; 1.3M pasahero daragsa

300
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang inaasahang aabot sa 1.3 milyong pasahero ang daraan dito sa Undas 2025 long weekend.

Nag-iikot sa paliparan ang mga K-9 unit at bomb squad ng pulisya, habang naka-full duty ang airport personnel kahit holiday.

Pinayuhan ang mga biyahero na dumating nang maaga upang maiwasan ang abala.

Nauna nang ipinatupad ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang Oplan Undas 2025 sa lahat ng terminal ng NAIA upang matiyak ang kaligtasan, kaginhawaan, at maayos na daloy ng mga pasahero sa Undas at long weekend.

Pinayuhan ang mga pasahero na dumating nang maaga — tatlong oras bago ang international flights at dalawang oras bago ang domestic — at siguraduhing ligtas ang mga mahahalagang gamit at iwasan ang mga ipinagbabawal na items. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here