Home NATIONWIDE MARINA sa operators at biyahero: Life saving equipment, safety protocols ngayong Undas...

MARINA sa operators at biyahero: Life saving equipment, safety protocols ngayong Undas sundin

275
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga operator ng mga barko o sasakyang-pandagat at biyahero na sundin ang safety protocols ngayong Undas.

Paalala ng MARINA sa mga operator ng barko na siguraduhing kumpleto ang life-saving equipment at laging magsuot ng life vest lalo na sa mga open deck.

Mahigpit ding paalala ang ahensya na huwag lumapas sa passenger capacity o overloading.

Sa ngayon, todo bantay ang MARINA sa kaligtasan ng mga pasahero ngayong Undas.

Kasabay nito, nagsagawa ng Intensified Compliance Inspection s abuong bansa upang tiyakin na ligtas at maayos ang biyahe sa dagat.

Mahigpit ding ipinatutupad ang mga safety regulations kabilang ang mas mataas na multa para sa mga lalabag upang masiguro ng walang pasaherong isasakripisyo ang kaligtasan.

Nagtalaga rin ng MARINA Help Desks sa mga pangunahing pantalan para tugunan ang reklamo at katanungan ng mga pasahero.

Maaari namang tumawag sa numero (0939) 953 4642 para sa anumng reklamo o isyu para ito ay mai-report agad sa kinauukulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here