Home ENTERTAINMENT Kaso ni Jinggoy vs Robby, handa na!

Kaso ni Jinggoy vs Robby, handa na!

303
0

Manila, Philippines- Tatlong kaso ang tiyak na kahaharapin ni Robby Tarroza na isasampa ni Senator Jinggoy Estrada.

Ito ang latest na iniulat sa programang Showbiz Now Na sa pangunguna ni Cristy Fermin.

Ang tatlong kaso ay cyberlibel, slander by deed at oral defamation.

Ani Cristy, kinakailangan pang ihanda ang kabuuan ng mga demanda at subpoena.

“Pero talagang tutuluyan ni Senator Jinggoy si Robby…eh, ipahiya ba naman niya ‘yung tao, binaboy at ginawan ng imbentong kuwento?

Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang ni Robby!” saad ni Cristy.

Matatandaang nag-ugat ang usapin sa panawagan ng dating matinee idol na magbitiw na sa puwesto ang mambabatas.

May kaugnayan ito sa pagkakadawit ni Jinggoy sa mga maanomalyang flood control project, na binisto ng dating kawani ng DPWH.

Banta ni Robby, kung hindi raw gagawin yon ni Jinggoy ay ibubuko nito ang umano’y pagkakaroon ni Jinggoy ng “double life.”

Binanggit din ni Robby ang umano’y kaugnayan ni Jinggoy sa dati niyang nobyo at aktor na si Joed Serrano.

Willing pa nga raw tumestigo si Joed laban sa senador.

Ipinagyabang din ni Robby–na nasa Southern California na–ang kuneksyon ng kanyang ama kay US President Donald Trump.

This makes him “untouchable” daw.

Hinamon ng SNN si Robby na patunayang hindi nga siya maaaring galawin.

Inusisa naman ni Cristy kung uubra ba ang trial by absentia dahil wala sa bansa si Robby sa oras na magsimula ang paglilitis sa kaso.

On serving the subpoena, isa sa tatlong co-host ni Cristy ang nagsabing may bahay daw si Robby sa Ayala Alabang at Cebu.

Sa bandang huli, duda ang SNN kung malulusutan ni Robby ang demanda ni Jinggoy matapos ipahiya ang maybahay nitong si Precy Vitug at kanilang mga anak. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here