Home NATIONWIDE Mga ahensya ng gobyerno pinaghahanda ni PBBM sa Undas 2025

Mga ahensya ng gobyerno pinaghahanda ni PBBM sa Undas 2025

326
0

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na maghanda para sa Undas 2025.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na kahit wala ang Pangulo sa Pilipinas ay nagbigay ito ng kautusan para sa isang pagpupugay at paggunita sa alaala ng mga mahal sa buhay na namayapa na ngayong All Saint’s Day at All Soul’s Day.

“Dapat lagi tayong handa. Nag-utos na po siya sa mga concerned government agencies at kinakailangan po na paghandaan ang paparating na Undas,” ang sinabi ni Castro sa isang briefing sa South Korea.

Sinabi pa ni Castro na maging ang mga presyo ng mga bilihin ay naka-monitor upang pagaanin ang paghihirap ng mga consumers mula sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Nakita po natin pati na ang presyo ng mga bilihin ay binabantayan na rin po para po mas maganda ang karanasan ng ating mga mamimili sa paparating na Undas at walang pagtaas ng presyo,” ani Castro.

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng Malakanyang ang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Undas, kaya nga ayon kay Castro ay inatasan na ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa gitna ng long weekend. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here