Home HOME BANNER STORY Relasyon ng PH, SoKor palalakasin nina PBBM, Lee

Relasyon ng PH, SoKor palalakasin nina PBBM, Lee

287
0

MANILA, Philippines – KAPUWA nangako sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae-myung na mas lalo pa nilang palalakasin ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.

Muling pinagtibay ng mga ito ang malalim na historical ties at nagbahagi ng pangako sa ‘defense, trade at regional security’ habang isinasagawa ang bilateral meeting sa sidelines ng APEC Economic Leaders’ Meeting sa Korea.

Si Lee ang nagbukas ng usapin na may taos pusong pagpupugay sa papel ng Pilipinas sa Korean War, sabay sabing hindi makalilimutan ng Seoul ang sakripisyo ng mga sundalong filipino.

“When we were in a national crisis, the Philippines sent its military to aid us,” ang sinabi ni Lee sa pamamagitan ng translator.

“The people of Korea will never forget the contributions and sacrifices made by the Philippines. Our two countries have maintained a very close relationship of cooperation and support, and I hope that through your visit, we will be able to take that to another level,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, nakatakda namang bumisita ang Pangulo sa UN Memorial Cemetery, araw ng Linggo para bigyang pugay ang mga sundalong filipino na nasawi sa Korean War.

Bilang tugon, nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat ang Pangulo para sa matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa at binigyang diin ang matatag na pag-unlad ng kanilang strategic partnership.

“From fighting side-by-side during the war to providing assistance in times of calamities and protecting the rights and welfare of our nationals — we have reached several milestones,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“One of which was the bilateral free trade agreement, and also our cooperation in areas of defense and security,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na nakikita niya ang “real opportunities” para isulong ang ‘rules-based, matatag na Indo-Pacific kapag nag-assume na ang bansa ng ASEAN chairship sa 2026.

“Next year, the Philippines will chair the ASEAN summits, and I see a real opportunity for us to promote a rules-based order, a more secure and more prosperous region,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, sabay sabing inimbitahan niya si Lee na bumisita sa Pilipinas sa malapit na hinaharap.

Winelcome naman ni Lee ang nasabing imbitasyon sabay sabing ganap siyang sumasang-ayon na subukan na bumisita sa Pilipinas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here