Home METRO Higit 33k bumisita na sa MNC; higit 500 kapulisan ipinakalat

Higit 33k bumisita na sa MNC; higit 500 kapulisan ipinakalat

233
0

MANILA, Philippines – As of 7:00 ng umaga ay umabot na sa kabuuang 33,450 ang mga bumibisita sa Manila North Cemetery ngayong Nobyembre 1.

Sa panayam kay Manila Police District (MPD) PIO Chief Major Philip Ines, nasa mahigit 500 kapulisan ang ipinakalat dito lamang MNC kung saan bukod sa mga nakabantay sa paligid ng sementeryo ay mayroon ding itinalaga na umiikot sa loob.

Mayroon din aniyang anim na assistance desk ang kapulisan na inilatag na maaring lapitan ng publiko kung kinakailangan.

Sa ngayon, dumadagsa na ang mga bumibisita na pumapasok sa sementeryo.

Wala pa namang iniiulat na mga nakaranas ng pagkahilo, alta prescion, mga nawawala at iba pang mga minor injuries.

Wala na ring libreng sakay para sa mga magtutungo sa MNC na malayo ang puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here