Home HOME BANNER STORY Presyo ng bulaklak lalo pang tumaas

Presyo ng bulaklak lalo pang tumaas

303
0

MANILA, Philippines – Lalo pang tumaas ang presyo ng mga bulaklak at kandila na itinitinda sa labas o paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ngayong araw ng Undas.

Ang bulaklak na radus na nasa maliit na styro ay nasa P200 na habang ang isang piraso na naka-plastic ay P80.

Ang kada piraso ng sunflower ay P80 rin habang may ilang mga bulaklak na mabibili sa halagang P250, P350 hanggang P600.00 kung saan mas mataas ito ng bahagya kumpara sa ibinebenta sa Dangwa Flower Marjey.

Ang isang piraso ng maliit na kandila ay nasa P30.00 habang P75 kapagĀ  tatlo at nasa P130 hanggang P170 ang malalaking kandila.

Ang kada piraso naman ng kandila na nakalagay sa baso P175 kung saan mabenta pa rin ito sa kabila ng pagtaas ng presyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here