Home NATIONWIDE Biyaheng pandagat sa Surigao del Norte suspendido sa bagyo

Biyaheng pandagat sa Surigao del Norte suspendido sa bagyo

284
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) station sa Surigao del Norte ang lahat ng sea travel sa probinsya at mga kalapit na isla, kabilang ang patungong Siargao Island dahil sa kondisyon dala ng Tropical Depression Tino.

Ayon sa PCG, sakop ng suspensyon ang lahat ng uri ng barko at watercraft until further notice.

Ang malalaking barko ay papayagan na mag-operate lamang sa ilalim ng istriktong kondisyon at kailangan ng clearance mula sa ahensya.

Inabisuhan din ang mga mangingisda at iba pang sea-based workers na ilagay sa ligtas na lugar ang kanilang mga bangka at iwasan ang paglalayag. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here