Home NATIONWIDE BIR pinuna ng Ombudsman sa pang-aabuso sa paniningil ng buwis

BIR pinuna ng Ombudsman sa pang-aabuso sa paniningil ng buwis

3
0

MANILA, Philippines – Pinuna ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang umano’y mga pang-aabuso sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kasunod ng mga pangamba ng mga negosyante sa taxation at permit processing.

Sa programa sa radyo, tinalakay ni Remulla ang mga hakbang para buhayin ang investment ombudsman at mga alalahanin ng business leaders sa pakikipag-usap sa kanila.

“Ang isang pinaka-malaking problema natin ngayon BIR… talagang ina-ano nila, para silang kasosyo talaga. Yung republika, may utang sa kanila palagi, yung nga taga-BIR,” sinabi ni Remulla.

“May nangyayari diyan, yung 70-30: 70 sa BIR, 30 sa bayan,” dagdag pa.

Sa kabila nito, hindi naman ipinaliwanag ni Remulla ang sinabi niyang 70-30.

Nagpahayag din ng pangamba si Remulla sa pang-aabuso umano sa Letters of Authority (LOAs).

Wala pang tugon ang BIR kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here