Home HOME BANNER STORY Pinoy seafarer patay sa hinihinalang drone attack sa oil tanker

Pinoy seafarer patay sa hinihinalang drone attack sa oil tanker

4
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang Filipino seafarer sa pagsabog na tumama sa Marshall Islands-flagged oil products tanker na MT Velos Sapphire sa Persian Gulf noong Huwebes, Nobyembre 5, 2026.

Ayon sa Department of Migrant Workers, hindi naman nasaktan ang 21 iba pang Filipino crew members ng barko.

Ang barko ay naglalayag patungong Sitrah, Bahrain nang mangyari ang pagsabog at sa inisyal na report ay posibleng ito ay dahil sa drone attack.

Hindi pa beripikado kung ito nga ang sanhi ng pagsabog.

Naabisuhan na ng licensed manning agency ang pamilya ng nasawi at magpapaabot ng tulong sa mga ito.

Nakiramay naman ang DMW at may-ari ng barko sa pamilya ng biktima.

“We will provide all the support and guidance the bereaved family needs during this difficult time. As the President has consistently reminded us, we must always take care of the families of our Filipino seafarers,” saad sa pahayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac.

Patuloy din na makikipag-ugnayan ang DMW sa may-ari ng barko at mga awtoridad para imonitor ang sitwasyon ng mga Pinoy crew at tulong sa naulilang pamilya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here