ILOCOS SUR, Philippines – Isang 38-anyos na babae ang humabol sa Undas matapos magbigti sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur kahapon, Nobyembre 2, 2025.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay residente ng naturang bayan.
Sa ibinigay na testimonya ng kanyang mister sa mga awtoridad, nang buksan nito ang pintuan ng kanilang CR (comfort room) ay nakita niya ang kanyang misis na nakatali sa leeg at nakabitin sa loob.
Dahil dito, agad siyang nagsisigaw para humingi ng tulong.
Mabilis naman rumesponde ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya at tinulungan siyang maibaba ang misis na nakabitin.
Matapos maibaba, agad silang humingi ng tulong sa Rural Health Unit (RHU) ng Bantay at sa Philippine National Police (PNP).
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on the spot ng Municipal Health Officer.
Nabatid na ang biktima ay nakararanas ng matinding depression at ito na umano ang pang-apat na beses na tinangka niyang magpakamatay. Rolando S. Gamoso