Home METRO Single dad huli sa pagnanakaw ng gatas, pinakawalan ng pulisya

Single dad huli sa pagnanakaw ng gatas, pinakawalan ng pulisya

326
0

KALINGA, Philippines – Huli sa akto ang isang single dad sa pagnanakaw ng isang box ng gatas para sa kanyang anak sa isang supermarket sa Tabuk City, Kalinga.

Ngunit pinakawalan din ang suspek na itinago sa pangalan Mark ng mga otoridad matapos bayaran ni PLtCol Jack Angog, hepe ng Tabuk City, Police Station ang kinuha niyang 1.7 kilo ng baby milk.

Sinabi ng suspek na wala siyang trabaho nang matapos na ang isang construction project at iniwan silang mag-ama ng kanyang asawa.

Dahil dito, umantig ang puso at naawa ang opisyal kung kaya’t binayaran nalang ang gatas upang hindi makulong ang suspek at mabigyan ito ng pagkakataong makapagsimula muli.

Nangako ang ama na hindi na mauulit ang insidente at maghahanapbuhay nang marangal para sa kanyang anak.

Kinumpirma ng pulisya ang pangyayari at sinabing isinasaalang-alang ang kalagayan ng ama sa pagpapasya. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here