Home NATIONWIDE PBBM, kumpiyansa na magkakaroon ng ‘good, clean budget’ sa 2026

PBBM, kumpiyansa na magkakaroon ng ‘good, clean budget’ sa 2026

341
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng “good, clean budget” para sa 2026.

“I think it will be. We will be able to show that it is in fact possible to write a good, clean budget,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa press briefing kasunod ng pagtatapos ng 32nd Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting sa Gyeongju, South Korea.

Tinanong kasi ang Pangulong kung maaasahan ba ng publiko ang mas anti-corruption efforts mula sa gobyerno.

Sinusuportahan ng pahayag na ito ang kanyang nakaraang anunsyo na ang deliberasyon ng bicameral conference committee ukol sa panukalang P6.793-trillion national budget para sa susunod na taon ay ila-livestream “to further encourage transparency.”

Papayagan ng bicam deliberations ang Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na ibasura at plantsahin ang mga pagkakaiba at maghayag ng ‘common version’ ng General Appropriations Act, na lalagdaan ng Pangulo para maging General Appropriations Bill.

Pagtugon din ito sa naging panawagan ng ilang mambabatas para sa ‘transparency’ sa bicameral deliberations.

Matatandaang, buwan ng Hulyo, nagkaisa sina Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima, Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña, at Dadah Kiram Ismula, kasama sina Albay Rep. Krisel Lagman, na maghain ng Joint Resolution No. 2, humihiling na buksan ang bicam deliberations sa pubiko, sa pamamagitan ng payagan ang in-person attendance o sa pamamagitan ng i-livestream ang proceedings sa online. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here