Home METRO NCRPO nakahanda sa Trillion Peso March sa Nobyembre 30

NCRPO nakahanda sa Trillion Peso March sa Nobyembre 30

321
0

MANILA, Philippines – Patuloy na naghahanda ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa kilos-protestang “Trillion Peso March” na gaganapin sa Nobyembre 30 upang maiwasang maulit ang kaguluhan sa Setyembre 21 rally sa Maynila, sinabi ni Police Major Hazel Asilo, hepe ng public information office.

“Kami ay nakahanda na at patuloy na naghahanda para sa November 30 na Trillion Peso March,” ayon kay Asilos.

“Ngayon, mas pinaigting natin ‘yung monitoring lalo yung pagbabantay sa social media dahil doon natin nakita na nahihikayat yung kabataan,” dagdag niya.

Hindi bababa sa 216 na indibidwal, kung saan 89 ay mga menor de edad, ang inaresto matapos sumiklab ang karahasan sa panahon ng protesta laban sa katiwalian kaugnay sa umano’y maanomalyang mga proyekto sa pagkontrol sa baha noong Setyembre 21.

Ang Trillion Peso March sa Nobyembre 30 ay inorganisa ng ilang sektor upang igiit ang pananagutan, pagbabalik ng mga nakaw na pondo ng publiko, at ganap na transparency. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here