Bulacan – Syut sa kulungan ang isang High-Value Individual at dalawa pang kasamahan nang mahulihan ng P340,000.00 sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Bangkal, lungsod Malolos bandang 11:30 ng gabi nitong Nobyembre 2.
Sa ulat ni PLTCOL Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos police station, kinilala ang pangunahing suspek na si alyas “Ryan”, 44, residente ng Tangos, Navotas.
Naaresto rin ang mga kasamahan na sina alyas “Eman”, 30 ng Brgy. Sumapa Matanda at alyas “Tuto”, 26 ng Brgy. Bangkal ng nasabing lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang 8 heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na aabot sa 50 gramo, na may halagang P340,000.00 at marked money.
“Ang pagkakaaresto sa isang High-Value individual at ang pagkakasamsam ng malaking halaga ng ilegal na droga ay patunay ng dedikasyon at determinasyon ng ating kapulisan sa pagpapatupad ng batas. Patuloy na magsisikap ang Bulacan PNP upang matiyak ang kaligtasan at katahimikan ng bawat mamamayan,” ayon kay PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Police Office.
Nahaharap ang mga suspel sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng nasabing istasyon. Dick Mirasol III