Home HOME BANNER STORY Nakamamatay na storm surge sa 30 lugar, ibinabala sa hagupit ni Tino

Nakamamatay na storm surge sa 30 lugar, ibinabala sa hagupit ni Tino

284
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA ng matitinding storm surge sa 30 baybaying lugar sa Visayas at Mindanao habang patuloy ang pananalasa ng bagyong Tino nitong Martes ng madaling araw.

Sa abiso ng ahensya alas-2 ng umaga, may “mataas na panganib ng nakamamatay na storm surge” sa susunod na 36 oras, na maaaring magdulot ng pagbaha at malalakas na alon sa mga mabababang baybaying komunidad.

Inaasahang aabot sa mahigit 3 metro ang taas ng alon sa Dinagat Islands, Eastern Samar, Leyte, Western Samar, at Surigao del Norte.

Maaaring umabot sa 2.1 hanggang 3 metro sa Biliran, Cebu, Leyte, Northern Samar, Western Samar, at Southern Leyte, habang 1 hanggang 2 metro naman sa 19 pang lugar kabilang ang Agusan del Norte, Aklan, Antique, Bohol, Camiguin, Capiz, Cebu, Guimaras, Iloilo, Masbate, Misamis Oriental, Negros Occidental, Negros Oriental, Occidental Mindoro, Oriental, Mindoro, Palawan, Romblon, Siquijor at Surigao del Sur

Hinimok ng PAGASA ang mga residente sa mabababang baybaying lugar na umiwas sa dalampasigan, itigil ang mga aktibidad sa dagat, at lumikas sa mas mataas na lugar.

Dakong ala-1 ng umaga, namataan ang mata ng bagyo sa Mahaplag, Leyte, matapos itong mag-landfall sa Silago, Southern Leyte pasado hatinggabi. Siyam na lugar sa Visayas at dalawa sa Mindanao ang nasa ilalim ng Signal No. 4, habang ilan pa ang nasa Signal No. 3. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here