Home METRO Bebot tigok sa tumaob na bangka sa sama ng panahon sa Maguindanao...

Bebot tigok sa tumaob na bangka sa sama ng panahon sa Maguindanao Sur 

294
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang babae matapos tumaob ang bangkang sinasakyan niya kasama ang apat na anak sa Maguindanao del Sur, dahil sa malalakas na alon na dulot ng bagyong Tino.

Agad na rumesponde ang mga mangingisda at rescuers at nailigtas ang mga bata, na dinala sa ospital para gamutin.

Natagpuan naman ng mga rescuer ang babae na wala nang buhay.

Samantala, patuloy ang paglikas ng mga residente sa ilang lugar dahil sa masamang panahon. Sa Surigao City, mahigit 2,800 pamilya ang inilikas sa ligtas na lugar dahil sa banta ng storm surge at pagbaha.

Ipinagbawal din ang paglalangoy at paglalayag sa dagat sa Cagayan de Oro City, habang nagpatupad ng liquor ban sa Ibajay, Aklan bilang paghahanda sa bagyo. Suspendido rin ang biyahe sa dagat sa pagitan ng Caticlan at Boracay dahil sa mataas na alon.

Bukas ang mga emergency hotline sa mga apektadong lugar, kabilang ang Pagadian City CDRRMO sa 0950-505-4320. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here