Home METRO Parak sa ‘Bring Me pusher’ kapalit ng pera, pananagutin

Parak sa ‘Bring Me pusher’ kapalit ng pera, pananagutin

282
0

Cebu, Philippines – Pinatalsik ang isang police officer sa Cebu matapos mag-post sa social media ng kontrobersyal na bersyon ng “Bring Me” game, kung saan nag-alok siya ng pera sa sinumang makapagdadala ng drug user o pusher sa pulisya.

Tinanggal na ng parak, na nakatalaga sa administrative unit sa Talisay City, ang nasabing video, ngunit ito ay na-preserve para sa digital investigation.

Ayon kay Brig. Gen. Randulf Tuaño, parehong pinapaliwanag ang pulis at ang kanyang chief sa Anti-Cybercrime Group.

Ito ay malinaw na paglabag sa operational procedures ng PNP, at pinaalalahanan ang mga pulis na sundin ang gabay sa paggawa ng video mula sa Directorate for Police Community Relations (DPCR).

Sa ilalim ng pamumuno ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., 184 na pulis ang pinatalsik, at daan-daang iba pa ang sinuspinde, idemote, o pinatawan ng parusa.

Binibigyang-diin ni Nartatez ang zero tolerance sa korapsyon, pang-aabuso, at anumang kilos na sumisira sa tiwala ng publiko. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here