Home NATIONWIDE Bigtime tulak sa Sibugay, nasakote ng PDEA sa P6.8-M tobats

Bigtime tulak sa Sibugay, nasakote ng PDEA sa P6.8-M tobats

270
0

MANILA, Philippines – Nakahuli ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng isang high-value drug suspect at nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa isang buy-bust operation sa Ipil, Zamboanga Sibugay noong Linggo, Nobyembre 2, 2025.

Ang suspek, kilala bilang alias “Boy Blue,” 46, mula sa Mahayag, Zamboanga del Sur, ay naaresto bandang alas-4:30 ng hapon sa Barangay Don Andres.

Nakuha mula sa kanya ang 1 kilo ng shabu, nakapack sa 10 heat-sealed sachets, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.

Haharapin ng suspek ang kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Zamboanga Sibugay, katuwang ang mga lokal na pulis. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here