Home HOME BANNER STORY Bagyong Tino bahagyang humina; Signal No. 4 nakataas pa rin sa 8...

Bagyong Tino bahagyang humina; Signal No. 4 nakataas pa rin sa 8 lugar

379
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Bahagyang humina ang Bagyong Tino nitong Martes ng umaga, ngunit nananatiling nakataas ang Signal No. 4 sa walong lugar, ayon sa PAGASA.

Ayon sa 11 a.m. advisory, narito ang mga Tropical Cyclone Wind Signals:

Signal No. 4
Cuyo Islands; hilagang bahagi ng Negros Oriental (Vallehermoso, Canlaon City); hilagang bahagi ng Negros Occidental (San Carlos City, Salvador Benedicto, Calatrava, Toboso, Escalante City, Sagay City, Cadiz City, Manapla, Victorias City, Enrique B. Magalona, Silay City, Talisay City, Bacolod City, Murcia, Bago City, Pulupandan, Valladolid, La Carlota City, San Enrique, Pontevedra, La Castellana); Guimaras; Capiz; Iloilo; gitna at timog bahagi ng Antique (Patnongon, Sibalom, Barbaza, Valderrama, Hamtic, San Jose, Bugasong, Culasi, Tibiao, Anini-y, San Remigio, Belison, Tobias Fornier, Laua-an); at timog bahagi ng Aklan (Libacao, New Washington, Banga, Altavas, Madalag, Balete, Batan).

Signal No. 3
Timog-kanlurang bahagi ng Masbate (Balud); hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kasama ang Calamian Islands; hilaga at gitnang bahagi ng Cebu (kabilang ang Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Toledo City, at Bantayan Islands); hilagang bahagi ng Negros Oriental (Guihulngan City, La Libertad, Jimalalud); hilagang bahagi ng Negros Occidental (Hinigaran, Moises Padilla, Isabela, Binalbagan, Himamaylan City); natitirang bahagi ng Aklan; at natitirang bahagi ng Antique kabilang ang Caluya Islands.

Signal No. 2
Kanluran at timog bahagi ng Masbate (Esperanza, Pio V. Corpuz, Placer, Cawayan, Milagros, Mandaon); timog bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro (Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong, Magsaysay, San Jose, Rizal, Calintaan); timog bahagi ng Romblon (kabilang ang Romblon, San Agustin, San Fernando); hilagang bahagi ng Palawan (San Vicente, Roxas) kabilang ang Cagayancillo Islands; kanlurang bahagi ng Biliran at Leyte; hilagang-kanlurang bahagi ng Bohol; natitirang bahagi ng Cebu kabilang ang Camotes Islands; gitnang bahagi ng Negros Oriental; at natitirang bahagi ng Negros Occidental.

Signal No. 1
Timog bahagi ng Quezon (San Francisco, San Andres); timog bahagi ng Marinduque (Torrijos, Buenavista, Gasan, Boac); natitirang bahagi ng Oriental Mindoro; hilagang at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Abra de Ilog, Mamburao, Paluan); natitirang bahagi ng Romblon; kanlurang at timog bahagi ng Albay (Legazpi City, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Camalig, Pio Duran, Jovellar, Libon, Polangui, Oas); kanlurang at timog bahagi ng Sorsogon (Bulan, Irosin, Matnog, Donsol, Castilla, Pilar, Juban, Bulusan, Magallanes, Santa Magdalena); natitirang bahagi ng Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands; gitnang bahagi ng Palawan (Puerto Princesa City); kanlurang bahagi ng Northern Samar at Samar; gayundin ang natitirang bahagi ng Biliran, Leyte, Bohol, at Oriental Mindoro; pati na rin ang Siquijor.

Huling namataan si Tino sa paligid ng Bacolod City, Negros Occidental (10.6°N, 122.9°E), taglay ang lakas ng hangin na 140 km/h malapit sa gitna at bugso na 195 km/h.

Nagbabala ang PAGASA na nananatiling malaki ang banta sa buhay at ari-arian sa Western Visayas at Negros Island Region.

Inaasahang tatawid ang bagyo sa Western Visayas at hilagang Palawan bago lumabas sa West Philippine Sea pagsapit ng Miyerkules ng umaga at posibleng lumabas ng PAR sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa PAGASA, bagama’t bahagyang humina dahil sa land interaction, maaari itong muling lumakas pagdating sa dagat.

Naitala ng NDRRMC ang isang nasawi at 59,918 katao o 17,124 pamilya ang naapektuhan. Kasalukuyan ding beripikado ng OCD ang ulat ng tatlong iba pang nasawi sa gitna ng pagbaha, pagkawala ng kuryente, at malawakang paglikas.

Suspendido ang klase at kanselado ang ilang biyahe ng eroplano nitong Martes dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Tino. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here