Home ENTERTAINMENT Kaanak ni Ellen, ine-expect ang split-up kay Derek!

Kaanak ni Ellen, ine-expect ang split-up kay Derek!

398
0

Manila, Philippines — Balitang hindi na raw nakaramdam ng pagkabigla ang ilang kamag-anak ni Ellen Adarna sa Cebu nang malamang hiwalay na ito kay Derek Ramsay.

Ayon daw sa mga ito, inaasahan na nilang sa hiwalayan din babagsak ang pagpapakasal ng dalawa.

Ang ginawa nilang basehan ay kung ano ang kanilang pagkakakilala kay Ellen.

Samantala, si Beauty Gonzales ang constant companion ni Ellen these days.

Nasilipan nga ng kahulugan ang piece of advice ni Beauty kay Ellen, at ikinunek ito kay Derek.

Payo kasi ng misis ni Norman Crisologo: “If people don’t match your vibe, change the people, not the vibe.”

Obvious daw kung ano ang pinili ni Ellen.

Nagpaliwanag din si Ellen tungkol sa no-show ni Derek sa first birthday celebration ng kanilang anak na si Baby Liana.

Ani Ellen: “Ginasend nga siya invite dai, ambut nanu wa nga siya tunga”—na ang ibig sabihin ay, “Pinadalhan siya ng invite pero ewan kung bakit hindi nagpunta.”

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here