Home METRO Navotas Business Conference, pinasinayaan

Navotas Business Conference, pinasinayaan

308
0
Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry - Navotas, katuwang ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco. Tampok dito ang makabuluhang talakayan, exhibits, at networking kung saan nagtipon ang mga negosyante, innovators, at leaders mula sa iba’t ibang industriya upang pag-usapan ang mga oportunidad sa negosyo at pag-unlad ng lungsod. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Minarkahan ng Navotas ang isang makasaysayang yugto sa kauna-unahang Navotas Business Conference na ginanap noong Oktubre 28–29, 2025 sa Navotas Convention Center. Inorganisa ito ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter (PCCI–Navotas) kasama ang pamahalaang lungsod, na dinaluhan ng mga pinuno ng industriya, opisyal ng gobyerno, negosyante, at innovator.
May temang “Navotas Rising: Empowering Industries from Sea to City,” layunin ng conference na talakayin ang paglago, inobasyon, at kolaborasyon sa pangunahing sektor.

Binalikan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbabagong naganap sa lungsod mula sa pagiging bayan ng pangingisda tungo sa isang urban economy.

“There was a time when Navotas was known only for fish—our economy, identity, and life bound to the sea. But through the years, we have evolved into a diverse urban economy powered by trade, manufacturing, logistics, and services,” ani Mayor Tiangco.

Ipinakita rin niya ang limang haligi ng Navotas Economic Roadmap: blue economy, cold chain corridor, paggawa ng barko, smart industry zones, at digital transformation. Binanggit niya ang mga proyekto tulad ng bagong paaralan, pinahusay na kalsada, flood control systems, Navotas Convention Center, Navotas Polytechnic College, at transport infrastructure na mag-uugnay sa mga pangunahing lugar.

Binigyang-diin ni Representative Toby Tiangco ang lumalaking estratehikong kahalagahan ng lungsod. “Navotas will soon be geographically positioned between the New Manila International Airport and the shipping ports. Instead of being at the edge of Metro Manila, we will become a center of economic activity. That is what we are preparing for,” aniya.

Tampok sa conference ang plenaryo, forum sa industriya, at networking activities na nakatuon sa pangingisda, logistik, paggawa ng barko, at pagnenegosyo.

Kabilang ang mga natatanging panauhin na sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., PFDA General Manager Glenn Pangapalan, at mga motivational speakers na sina Bo Sanchez at Lloyd Luna. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here