Home NATIONWIDE DOH naka-code white sa epekto ng Bagyong Tino

DOH naka-code white sa epekto ng Bagyong Tino

387
0

MANILA, Philippines – Nagtaas ang Department of Health (DOH) ng “code white” alert para sa mas mabilis na deployment ng tulong medikal sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Ang “code white” alert ay itinaas upang matiyak na ang lahat ng nakatalagang medikal na tauhan, kagamitang medikal, at pasilidad ay magiging handa na tumugon sa mga emerhensiya at insidente.

Dagdag pa ng DOH na binabantayan ng kanilang Operations Center ang sitwasyon sa mga naapektuhan ng bagyo round the clock.

Samantala, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang death toll sa bagyong Tino ay umakyat na sa 52 kung saan 50 ang mula sa Central Visayas at dalawa mula sa Eastern Visayas.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DOH na mahigit 1,800 pamilya sa Aklan ang inalalayan sa koordinasyon ng provincial government.

Tiniyak din ng DOH na sapat ang suplay ng doxycyline para sa mga residente na nalubog sa baha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here