Home METRO 4 huli sa drug den sa Cagayan

4 huli sa drug den sa Cagayan

349
0

BALLESTEROS, Cagayan – Apat na lulong sa droga ang nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Ruelos Street, Purok 7, Barangay Ammubuan, Ballesteros, Cagayan.

Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga ni Regional Director Gil Cesar Castro ng PDEA Region 02, pasado alas-8:40 ng gabi nang salakayin ng mga operatiba ng PDEA Isabela Provincial Office at Ballesteros Police Station ang drug den kung saan ay nahuli apat na suspek sina alias “Jek”, 32-anyos; alias “Oman”, 27-anyos; kapwa residente ng Brgy. Ammubuan; alias “Jo”, 44-anyos, ng Cabuluan East; at alias “Junie”, 31-anyos, ng Sta. Cruz, at pawang mga residente ng Ballesteros, Cagayan.

Nasamsam sa mga suspek ang isang gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ang P6,800, 150 gramo na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na nagkakahalaga ng P18,000, limang cellphone at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12, Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here