Home NATIONWIDE 10 solar pump irrigation project sa Isabela, pinasinayaan

10 solar pump irrigation project sa Isabela, pinasinayaan

311
0

MALLIG, Isabela — Nagbigay ng sigla at pag-asa para maiahon ang kabuhay ng mga magsasaka matapos muling pasinayaan ang sampung (10) solar pump irrigation project ng National Irrigation Administration – Isabela Irrigation Management Office (NIA Isabela IMO) sa Mallig River Irrigation System sa San Ramon. Mallig, Isabela

Ayon kay Engr. Edison Tolentino. Division Manager ng NIA Isabela IMO, ang nasabing proyekto ay sumasaklaw sa kabuuang 50 ektaryang lupain — 25 ektarya bilang bagong sakahan at 25 ektarya bilang bahagi ng rehabilitasyon.

Umaabot sa 30 benepisyaryong magsasaka sa nasabing proyektong ipinagkaloob ng nasabing ahensya.

Sinabi ng mga benepisyaryo ay malaking ginhawa ang hatid ng proyekto dahil mas madali na nilang naaalagaan ang kanilang mga pananim at tiyak ang mas magandang ani para maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Nangako si Engr. Richard Bibbigan, Engineering Section Chief ng NIA Isabela sa mga magsasaka sa naturang bayan na posibleng madagdagan pa ng limang solar na maipapatayo bago matapos ang taon bilang bahagi sa programa sa seguridad sa pagkain.

Kasabay nito, umapela si Engr. Bibbigan sa mga magsasaka na ingatan at pangalagaan ang nasabing proyekto para matagal na mapakinabangan at huwag hayaan masira na agad ipaalam sa kanilang ahensya para sa agarang pagkukumpuni para sa tuloy-tuloy ang daloy ng tubig sa bukirin.

Ayon kay Manolo Palafox, SWRFT, Mallig River Irrigation Systen ng NIA Isabela IMO ay umaabot na 54 solar pump irrigation project ang kanilang naipamahagi mga magsasaka ibat-ibang barangay ng nasabing bayan.

Ang nasabing ahensya ay patuloy na isusulong ang magandang programa’t proyekto upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa rehiyon para sa Bagong Pilipinas. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here