Home NATIONWIDE Bagyong nasa labas ng PAR, lumakas pa sa tropical storm

Bagyong nasa labas ng PAR, lumakas pa sa tropical storm

312
0

MANILA, Philippines – Lumalakas habang kumikilos pahilagang-kanluran ang bagyong nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Huwebes ng umaga.

Ang sama ng panahon, na pinangalanang Tropical Storm Fung-Wong, ay may hanging 65 km/h malapit sa gitna at bugsong hanggang 80 km/h. Huli itong namataan 1,715 km silangan ng Hilagang-Silangang Mindanao, kumikilos ng 20 km/h.

Pagpasok nito sa PAR sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, tatawagin itong Uwan.

Ayon sa PAGASA, maaari itong maging typhoon pagsapit ng Biyernes at super typhoon sa Sabado.

“Bagaman mataas ang antas ng kawalang-tiyakan sa track at intensity forecasts para sa ika-apat at ika-limang araw, tumataas ang posibilidad ng landfall sa Lunes (Nobyembre 10) sa Hilaga o Gitnang Luzon,” ayon sa PAGASA.

Maaaring magtaas ng wind signals sa silangang bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Samar sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, habang inaasahang lalala ang panahon sa Linggo.

“The highest possible Wind Signal for the current forecast scenario is Wind Signal No. 5,” ayon pa sa ahensya. Dagdag pa rito, “Potentially life-threatening stormy conditions may occur over Northern and Central Luzon on Monday and Tuesday, with a potential for high storm surges and coastal flooding.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here