Home ENTERTAINMENT Kuya Wil, magbabalik na; FB account ng Wowowin, binago!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kuya Wil, magbabalik na; FB account ng Wowowin, binago!November 6, 2025 20:093900 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nalalapit na ang pagbabalik ng Kuya ng bayan, Willie Revillame, sa pagbibigay saya at ligaya sa milyon-milyong Pilipino.Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, araw-araw ay may tyansang maging milyonaryo sa pinakabagong handog ni Kuya Wil na “Wilyonaryo.”Sa inilabas na teaser video ng kanyang official Facebook account, makikita ang mga kahon na may mga lumalabas na letra at kulay.Sabi sa caption nito, “Sa bawat letra at kulay, may swerteng magpapabago ng buhay!”Mapapansin na rin na nagbagong mukha na ang “Wowowin” Facebook page kung saan “Wilyonaryo” na ang profile picture at cover photo nito.Sa comment sections ng mga bagong posts nito, damang-dama ang excitement sa muling pagbabalik ni Kuya Wil.Wala pang ibang detalye tungkol sa “Wilyonaryo” pero inaasahan na ang nalalapit na pag-launch nito. Rommel Placente