Home ENTERTAINMENT Elias, ‘nabudol’ ang ina!

Elias, ‘nabudol’ ang ina!

296
0

Manila, Philippines – Nag-post si Ellen Adarna ng isang funny video sa kanyang IG account na nagkukumbinsi sa kanyang 7 year old na anak na si Elias na magpanggap na bulag para makakuha ng pera.

Kumbaga, gagamitin niya ang anak para sa isang prank.

Kaso, tinanong ni Elias ang ina kung maaari siyang makakuha ng 25,000 Robux instead.

Pagkatapos ay tumanggi  ito na gawin ang pinapagawa ni Ellen.

Katwiran ng bagets, marami na raw naman silang pera.

Pagkarinig nu’n ay tumawa si Ellen.

Hindi niya akalain na masasabi yun ng anak nila ni John Lloyd Cruz.

Aware pala ito na yayamanin sila.

Ang post na ito ni Ellen ay agad nag-viral.

Mabilis itong nakakuha ng libu-libong likes  at comments sa loob lang ng ilang oras. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here