Home ENTERTAINMENT Doktor ni Ate Gay, nagbabala!

Doktor ni Ate Gay, nagbabala!

366
0

Manila, Philippines – So far, so good.

Ito ngayon ang progreso sa iniindang Stage 4 nasopharyngeal carcinoma ni Ate Gay.

Ang dati ngang bukol sa kanyang leeg which weighed one kilogram ay umimpis na.

Hindi na rin ito nagdurugo, thanks sa radiation at chemotherapy sessions na pinagdadaanan niya.

Unlike before the standup comedian was subjected to the medical procedure, ngayon nga’y nakakangiti na siya–grateful dahil totoo raw na may himala.

Pero ayaw siyang bigyan ng false hopes ng kanyang oncologist na si Dra. Jaymee Ramos.

Ayon dito, “Positive ang response ni Ate Gay sa treatment pero I warned her na hindi ibig sabihin nito’y hindi na ito magre-recur o hindi na kakalat sa ibang bahagi ng katawan niya.”

Despite the warning ay nananatiling positibo ang disposisyon ni Ate Gay na naniniwala sa kapangyarihan ng dasal towards complete recovery.

Amen. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here