Home HOME BANNER STORY Tino nag-iwan ng 188 tigok; 135 nawawala—OCD

Tino nag-iwan ng 188 tigok; 135 nawawala—OCD

345
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Tino (Kalmaegi) habang 135 pa ang nawawala, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes.

“As of 6 a.m. na datos natin, umabot na sa 188… Tumaas,” ayon kay OCD spokesperson Junie Castillo, na nagsabing 33 sa mga nasawi ay mula sa Negros Island Region at 140 mula sa Region 7.

“Meron pang 135 na missing, kaya ongoing pa rin po yung response operations doon… lalo na dito sa Negros Island Region at Region 7,” dagdag pa ni Castillo. Sa bilang na ito, 56 ay mula sa Negros Island at 79 sa Region 7.

Sa ulat ng NDRRMC, 96 ang sugatan at mahigit 2.25 milyong katao o 635,565 pamilya ang naapektuhan, kung saan 397,634 ang napilitang lumikas. Nasira ang 9,585 bahay, at umabot sa P16.9 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdedeklara ng state of national calamity dahil sa lawak ng pinsalang dulot ng bagyo.

“Because of the scope of problem areas that [have] been hit by Tino and will be hit by Uwan… I approved that we declare a national calamity,” ani Marcos, na nagsabing apektado ang 10 hanggang 12 rehiyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here